bu•lak•lák 1: organ ng reproduksiyon ng haláman na tinutubuan ng bunga o mga butó 2: naturang organ na may matingkad na kulay kapag namumukadkad ang talulot
bú•lak•lá•kan 1: harding pamulaklakan 2: panahon ng pamumulaklak 3: pamilihan o tindahan ng iba’t ibang uri ng bulaklak 4: larong may tula at awitan na ginagawâng aliwan sa lamayan
bu•lak•lák-ba•tó 1: ságay 2: alga (Asparagopis taxiformis) na kulay lila, malambot at mabalahibo, karaniwang nabubúhay sa talampas at mga sirâng barko
bu•la•lá•kaw : batóng pangkalawakan o metal sa kalawakan na nag-aapoy kapag pumapasok sa atmospera ng mundo at nakikíta bílang mabilis maglahong bituin na gumuguhit ng arko sa madilim na langit
bu•lá•las 1: biglang pagsasalita dahil sa matinding damdamin, pagkagulat, pagtutol, at katulad 2: pagsigaw o pagsasalita nang malakas o mariin
bu•la•ló : magbará ang bituka na dahilan upang hindi makapunta ang mga bitamina sa ibang bahagi ng katawan
bu•la•lô 1: utak ng butó sa biyas ng báka, kalabaw, at baboy 2: putahe na may sabaw ng pinakuluang mga biyas ng báka o kalabaw