bú•las 1: bulyáw 2: paglaki ng katawan o pagtaas ng isang kabataan 3: hihip o simoy, tulad ng sa hangin 4: kilos na pagpapamalas ng gálit 5: pagkakagulo 6: pagpapabayang dumaloy ang inipong tubig 7: bumagsak ang katawan dahil sa kolera
bú•lat 1: pagsasaboy gaya ng pagbulat ng mga bulaklak sa altar 2: bagay na totoong malinaw at maliwanag 3: tao o bagay na napagkamalan 4: paghahanda ng langis ng linga na may halòng pabango 5: sa sinaunang lipunang Bisaya, mabangong pomada ng buhok 6: dílat1
bu•lá•teng-lu•pà : uod (phylum Annelida) na matatagpuan sa lupa at kumakain ng lupa at nabubulok na bágay