bul•yáw 1: malakas at pagalit na sigaw na tanda ng pagtataboy 2: paraan ng pagtawag ng isang mangangaso sa kaniyang mga kasama
bum•bón 1: pagpapakain ng palay o anumang butil sa manok o ibon 2: patibong ng isda sa ilog o lawa na gawâ sa mga sanga-sanga at patpat 3: lawà o anumang lawas ng malinaw na tubig at natural na nalikha o nabuo
bum•bóng 1: silindrikong sisidlan, karaniwang gawâ sa kawayan o binilot na karton, metal o katulad 2: buong biyas ng kawayan at ginagawâng sisidlan o kasangkapan
bú•me•ráng : baliko o nakakurbang piraso, karaniwan ng matigas na kahoy, na bumabalik sa pinanggalingan kapag inihagis