bul-úl : mga sinaunang es-piritu o mga diyos ng mga kamalig sa Cordillera, karaniwang inilalarawan sa maliliit na estatwang kahoy na nakatalungko
bu•lú•sok 1: paglalandas pababâ ng anumang mula sa himpapawid 2: paglubog ng paa sa putik 3: patulis na pagbagsak sa likido ng isang biluhabâng bagay 4: sagitsit ng palaso o bála sa hangin
bu•lú•tong 1: nakahahawang sakít sanhi ng virus na variola, lumilikha ng mga bilóg na pasâ sa balát, at nag-iiwan ng pilat 2: anumang tulad ng pasâng likha ng naturang sakít
bu•lú•tong-tú•big : nakahahawang sakít, nagdudulot ng lagnat at makakatí at namamagâng pantal, sanhi ng virus na herpes zoster, at karaniwang nakukuha sa batà na nagiging imyun sa sakít na ito pagkatapos magkaroon nitó; higit na mahinà kaysa bulutong
bul•wá•gan 1: malakîng silid sa pasukán ng isang gusali 2: awditóryo 3: koridor o daanan sa isang gusali 4: malakîng gusali sa unibersidad o kolehiyo na ginagamit sa pagtuturo o bílang tirahan 5: sa sinaunang kastilyo o katulad na estruktura, pangunahing silid na ginagamit bílang kaínan, tulugán, at tanggápan ng mga bisita