bun•tóng•hi•ni•ngá : mahabà, malalim, at may tunog na paglabas ng , hininga, kara-niwang nagpapahayag ng págod, ginhawa, o katulad na damdamin
bun•tót 1: dulong puwitan o paghabà ng dulong puwitan sa katawan ng isang hayop 2: bahaging nása kabilâng dulo ng ulo ng isda 3: anumang kahawig ng buntot ng hayop sa anyo o puwesto, gaya ng maluningning na landas ng kometa o ng puwitan ng eroplano 4: hulihán, pang-ibabâ, o mahinàng bahagi ng anuman 5: pagsunod ng isa sa nauuna, hal tulad ng isang pila
bun•tót-bu•wá•ya : palum-póng (Rotula aquatica) na nabu-búhay sa mga bató at graba, at may bungang bilugán, malamán, at may apat na butó
bun•tót-da•gâ : talim na bilóg ang magkabilâng dúlo at ginagamit na pangkinis sa loob ng hiyas na may túlos o bútas
bun•tót-ka•pón 1: uri ng pakô (Pteris ensiformis) na puwedeng kainin 2: balahibo sa buntot ng tandang na kinapon
bun•tót-pu•sà 1: damo (Pen-nisetum polystachyon) na 1.5 m ang taas, madulas at mabalahibo ang mga dahon, at may bulaklak na tíla buntot, kulay dalandang kayu-manggi na nagiging kremang putî hábang tumatagal 2: buhok na hugis buntot sa batok 3: isang uri ng palay na may buhok
bun•tót-tí•gre : uri ng hemp (Sanseviera trifasciata), mataba ang mga ugat, tuwid, at makapal ang dahon
bun•tóy : abnormal na panunuot at labis na pagkakaroon ng malubhang likido sa pagitan ng mga tissue at bahagi ng katawan na nagdudulot ng pamamagâ