bur•gés 1: gitnang uri sa lipunan 2: tao na kabílang sa uring ito 3: tao na ang kilos, gawi, o bihis ay nagpapakilálang gáling sa nakatataas na uring panlipunan 4: nakatataas o maykáyang uri 5: tao na batay sa pagpapahalaga sa ari arian o propyedad ang opinyon hinggil sa politika, ekonomiya, at lipunan
bur•gés•ya 1: uring burges 2: sa teoryang Marxismo, ang uri na kasalungat ng proletaryo o uring manggagawà
Búrgos, Jose (búr•gos, ho•sé) : (1837-1972) isa sa Gomburza, pinakabatà sa tatlo, at kura paroko ng Katedral ng Maynila
burgundy (búr•gen•dí) 1: puláng alak na gáling sa Burgundy 2: katulad na alak mula sa ibang pook 3: uri ng kulay pulá na kaku-lay ng alak na burgundy