bú•rok 1: ang madilaw na bahagi sa loob ng itlog, mayaman sa taba at protina; pulá ng itlog 2: pamumulá, halimbawa ng pisngi 3: uláng1
bú•rol : panahon ng pagbabantay sa bangkay bago ilibing o ang bang-kay na pinaglalamayan bago ilibing
burro’s tail (búr•row’s teyl) : kaakit-akit na tíla pendulong haláman (Sedum morganianum), may tangkay na 60 sm ang habà, nakabalumbon ang dahon sa pali-gid ng tangkay, mapusyaw na pink ang bulaklak, katutubò sa Mexico at popular bílang halámang pabitin sa Filipinas