bye (bay) 1: pinaikling goodbye 2: pag-abante sa susunod na round dahil walang ka-laban 3: sa golf, isa o higit pang bútas na nalalabí sa tapos nang laro
by law (bay•lo) : tuntunin na binuo ng lokal na awtoridad o korporasyon para sa nasasakupan o mga kasapi
bypass (báy•pas) 1: kalsadang paikot sa bayan o sentro nitó na nagsisilbing alternatibong rutang daanan ng trapiko 2: sekundaryong daanan o túbo na dinadaluyan kapag sarado o barado ang pangunahing daluyan 3: alternatibong daluyan ng dugo kapag inooperahan ang puso