bu•wá•ya 1: reptil (genus Crocodylus) na naninirahan sa tubigan at latían 2: tao na manlilinlang o gahaman 3: paraan ng parusa sa pamamagitan ng pagtatalì ng katawan sa isang piraso ng kahoy at pagbabayubay sakâ pagpalò nang malakas sa tiyan
bu•wé•lo 1: paghahanda para sa dagdag na lakas at bilis 2: panimulang tulak paimbulog 3: galaw o kilos, gaya ng pag-lipad, at pagtakbo nang mabilis
bu•wél•ta 1: balik o pagbalik 2: pagliko, gaya ng bu-wélta sa trapiko 3: pagbaligtad, pagtihayá, o pagtaob
bu•wí•tre 1: malakíng ibon (family Accipitridae) na karaniwang walang balahibo ang leeg at ulo at kumakain ng patáy na hayop 2: ibon (family Cathartidae) na kahawig nitó