ba•lé•te 1: malaking punongkahoy (genus Ficus) na mayamungmong at maraming tíla baging na sanga, katutubò sa Filipinas 2: nakatatakot at maalamat na punongkahoy na tumutubò sa madilim na pook at pinaniniwalaang pinaninirahan ng mga lamanlupa, tulad ng tiyanak
bal•hág 1: paraan ng pagtatalop sa palay nang hindi ganap na inaalis ang balát 2: tákot, pagkamangha 3: isang gawain na hindi pa natatapos 4: pagbagsak ng pinuputol na kahoy pasalalak sa isa pang kahoy kayâ hindi umabot hanggang sa lupa 5: kíkil1