bal•dá 1: pagkakaroon ng kapansanan sa katawan 2: pagkukulang sa responsabilidad 3: pagkalinsad sa dapat maging kaayusan 4: patlang sa regular o panayang paggawâ
bal•dá•do 1: labis na napinsala ang katawan o anumang bahagi nitó dahil sa malubhang sakít o aksidente 2: binawasan ang suweldo dahil sa hindi pagpasok sa trabaho
bal•dóg 1: pagkahulog o pagkahampas ng katawan sa lupa o bató nang hindi sinasadya o dahil sa pagkatulak ng ibang tao 2: hampas o suntok nang hindi nakikíta ng pinatamaan 3: pagkakalinlang; pagkakadaya 4: bagay na ninakaw
bá•le 1: a sistema ng utangán na nagpapahintulot sa isang tao na makatanggap ng bilihin, kalakal, o salapi sa bisà ng pagpirma sa kahilingan b pagkuha ng suweldo bago ang takdang araw ng pagtanggap nitó 2: uri ng malakíng kubo