ballet (ba•léy, bá•ley) 1: a dramatikong estilo ng pagsa-sayaw na pinagsasanib ang mga kumbensiyonal na galaw at posisyon sa isang tuloy-tuloy na daloy ng kilos, karaniwang sinasaliwan ng musika b isang partikular na piyesa o pagtatanghal nitó c ang musika para rito 2: pangkat na nagtatanghal nitó
balloon (ba•lún) 1: lóbo2 2: hugis lobong nakapaligid sa mga salita o iniisip ng mga tauhan sa komiks o kartun
ballroom dancing (ból•rum dán•sing) : pormal na pagsasayaw ng magkapareha o pangkat ng magkakapareha, bílang libangan at paligsahan
ballyhoo (bá•li•hú) 1: malakas na ingay o kaguluhan 2: walang saysay na pagkabahala 3: labis o kagila-gilalas na publisidad