bá•long 1: bukál ng tubig 2: dáloy ng tubig mula sa hindi makikítang pinanggalingan 3: pagkagagap o pagkaunawa
ba•long•bóng 1: palamuti ng isang sibat 2: bakal na nagkakabit-kabit sa bahagi ng araro, at ang hawakang pinagkakabitan nitó
bá•los 1: bagay na tinagusan mula sa isang panig túngo sa kabila tulad sa pamamagitan ng , punyal 2: gantí1 3: útang-na-loób
ba•lót 1: pook na madamo na pinanginginainan ng mga hayop sa gubat 2: pagiging kapantay ng kakayahan o katangian
bá•lot 1: takip sa kabuuan ng isang bagay 2: tawag sa sampung tangkas ng ikmo, at bawat tangkas ay may 25 dahon