ciguatera (sig•wa•té•ra) : pagkalason dulot ng pagkain ng isdang matatagpuan sa mga tangrib na may ciguatoxin, gaya ng manambulaw at isdang bato
cilia (síl•ya) 1: pilik1 2: maliit at tíla buhok na tubò sa rabaw ng mga protozoan at metazoan na cell
cirrhosis (si•rów•sis) : di gumagalíng na sakít sa atay, may malubhang panghihina ng mga cell at pamamagâ ng mga tissue, karaniwang bunga ng alkoholismo o hepatitis