chloroform (klór•o•fórm) : likidong (CHCl3) walang kulay, madalîng sumingaw, hindi nasusúnog, bahagyang nalulusaw sa tubig, masangsang ang amoy, at namamis-namis
chlorophyll (klór•o•fíl) : lungtiang kulay sa dahon at halaman na mahalaga sa produk-siyon ng carbohydrate sa pamamagitan ng photosynthesis
chlorosis (klo•ró•sis) 1: hindi normal na dilaw na kulay sa tissue ng halaman, mula sa kabiguang madevelop ang chlorophyll 2: tinatawag ding green sickness, ang malalâng uri ng kakulangan sa iron ng nagdadalagang babae
chlorous acid (kló•ros á•sid) : maputlang dilaw na likidong acid, HClO2 na kilala lámang bílang solution at sa anyo ng mga salt nito
chopstick (tsáps•tik) : pares ng manipis na patpat, karaniwang gawa sa kahoy o garing, at ginagamit na pang-ipit ng pagkaing isusubò