crispy pá•ta (krís•pi pá•ta) : páta ng baboy na ipinirito nang nakalubog sa manti-ka hanggang maging ginintuang kayumanggi ang kulay at malutóng
Crissotan (kri•sót•an) : bersiyon ng balagtasan sa wikang Kapampa-ngan at ipinangalan kay Crisostomo Soto
critique (kri•tík) : isang artikulo o sanaysay ng masusing pagsusuri sa isang akda, pilosopiya, at katulad
Cronus (kró•nus) : pinakabatàng anak nina Uranus at Gaia at pinunò ng kaniyang mga kapatid na Titans; nag-alsa laban sa kaniyang ama, pinakasalan ang ka-patid na si Rhea, at ama ng mga sumusunod na diyos at diyosa, kabílang na si Zeus