cue (kyu) 1: hudyat sa kalahok sa pagtatanghal upang simulan ang kaniyang gawain 2: paghahanda ng tape upang masimulan sa itinakdang bahagi 3: táko1
cuisine (kwi•zín) 1: isang estilo o pamamaraan ng pagluluto 2: ang pagkaing iniluto sa ganitong paraan
cul de sac (kúl•de•sák) 1: kalsada o daanang sarado ang isang dulo 2: rutang walang patutunguhan 3: katayuang hindi matatakasan
culture (kúl•tyur) 1: kalinangan 2: propagasyon1; pag-aalaga at pagpaparami hal floriculture, pomiculture
cupboard (káp•bord) : muwebles na may pinto at salansanang pinaglalagyan ng pagkain, pinggan, at katulad