dá•han 1: galaw o kilos na mabagal 2: hina o kakulangan ng sidhi 3: ingat sa pagkilos o paggawâ upang mas mahusay ang resulta
da•hás 1: a paggamit ng puwersang pisikal upang makapinsala o umabuso b paraan o halimbawa nitó 2: matindi, magulo, o malupit at karaniwang mapaniràng kilos o lakas 3: masamâng damdamin o mga kilos bunga ng gayong damdamin 4: kawalan ng ingat at pagtitimpi, lalo na sa pagpapasiya
da•hík 1: pag-alis ng sasakyang-dagat 2: pag-akyat sa hagdan 3: pagpunta sa pampang ng buwaya para matulog
dá•hik 1: pagsadsad ng sasakyang-dagat 2: pook sa pampang para sa pagsasa-ayos ng sasakyang-dagat 3: paglalagay ng sarili sa isang sulok
da•hi•lán 1: sanhî1 2: mabuti o sapat na katwiran 3: anumang ibinibigay na paliwanag upang patawarin, pagpaumanhinan, o makakalag sa pananagutan 4: saligang pinagbabatayan ng anumang teorya o gawain