da•ig•díg 1: a sa malakíng titik, Lupa b Lupa, kasáma ang mga naninirahan dito 2: anumang kalagayan, kaharian, o dominyo, at ang lahat-lahat ng nauukol dito
daily double (déy•li dó•bol) : karera ng kabayo na nagkakataló sa dalawang takbuhan; maaaring manalo ang pumusta kung nanalo ang dalawang kabayong tinayaan sa dalawang karera
da•íng 1: pagpapahayag ng sákit o lungkot 2: pagpapahayag ng hindi kasiyahan o samâ ng loob 3: paki-úsap 4: isang awit na may kasamang babalâ