duodecimo (dyú•wo•dé•si•mó) 1: sukat ng páhiná, humigit-kumulang sa 12.55 sm x 18.75 sm 2: aklat na may ganitong sukat
dú•ong 1: prówa 2: laro ng dalawang tao na magkahawak ang kamay at pinagsasaklit ang kanilang mga paa hábang magkaharap na nakaupô at paugoy-ugoy na tíla bangkang inaalon sa dagat
duotone (dyú•wo•tówn) 1: sa paglilimbag, larawang halftone na may dalawang kulay mula sa orihinal at ginagamitan ng magka-ibang iskrin 2: proseso ng paggawâ nitó