duress (dyu•rés) 1: pagbilanggo, pagtakot, o anumang marahas na gawain upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay 2: pagkabilanggo na labag sa batas
du•rò 1: bútas na gawâ ng anu-mang matulis na bagay 2: sundót1 3: pagdomina sa isang tao, kasabay ng pagtuturò ng daliri 4: pagsalat gamit ang daliri
dú•rol 1: súkat sa ilalim ng isang bútas na hindi kalaliman 2: pagtatanim ng palay, o paglilipat nitó 3: paglalagay ng tanda sa pamamagitan ng guhit, ukit, tulos, o anumang bagay upang pagbatayan ng pagsisimula o paglalapatan ng isang gawâ
du•ru•án 1: anumang tusukán, gaya ng maliit na kutson para sa aspile 2: tuhugán, gaya ng piraso ng kahoy o metal na ginagamit sa pag-iihaw ng karne o isda
du•ru•bá•long : ibong nása pamilyang babbler (Leonardina woodi), mahabà ang buntot, at bihira nang makíta