de•bá•te 1: pagtalakay sa isang suliraning panlipunan sa isang kapulungan 2: paligsahan ng mga mananalumpating nagbibigay ng mga katibayan, kuro-kuro, at katwiran ukol sa isang usapin
dé•bit 1: pagtatalâ ng utang sa isang account 2: ang utang na itinalâ 3: kaliwang kolum ng isang account
de•bo•lus•yón 1: paglilipat sa iba ng karapatan, ari-arian, o titulo 2: pagsasalin ng ilang kapangyarihan ng pamahalaang sentral túngo sa pa-mahalaang lokal 3: pagdaan sa isang serye ng mga yugto