da•yú•pay 1: maliit na bálang kapag nagsisimulang lumipad 2: tao o hayop na lubhang payat at gutóm na gutóm
D-Day (dí-dey) 1: 6 Hunyo 1944 o araw ng pagsalakay ng hukbong alyado sa Normandy bílang simula ng kampanya sa pagbawi ng Europa 2: ang araw ng pagsisimula ng isang importanteng gawain
DDT (di•dí•ti) : walang kulay, walang amoy, at kristalinang insekti-sayd (C14H9Cl5) na nakapipinsala sa maraming vertebrate