des•kan•sá•do 1: hindi hiráp 2: hindi apurahan ang ginagawâ; may sapat o labis na panahon upang makapagpahinga 3: hindi masikip
des•ka•ríl 1: tren na nahulog dahil sa linsad ang mga riles 2: katulad na pangyayari kapag nabigo ang isang misyon o proyekto
des•kár•te 1: pamamaraan, balak, o mungkahi ng isang tao upang makuha ang nais o maisagawâ ang isang bagay 2: sa panliligaw, ang nakaaakit na salita o kilos ng tao sa sinumang naiibigan