des-em•bár•ke 1: pagdedeskarga ng mga lulan 2: pagbabâ mula sa eroplano o mula sa barko 3: paglulunsad ng pasahero o kargamento
de•sen•di•yén•te 1: tao, haláman, o hayop na mula sa isang ninunò 2: mákiná o sistema mula sa isang naunang bersiyon
de•sén•te 1: umaa-linsunod o tumutugon sa pamantayan ng lipunan, tulad sa pag-uugali, pananalita, o pagkilos; kagálang-gálang 2: sumusunod sa alituntunin hindi mahalay
de•sen•tra•li•sas•yón : pamamahagi ng kapang-yarihan, awtoridad, o produksiyon, tulad sa pamahalaan o industriya, túngo sa higit na mababà at maliit na mga yunit
de•ser•si•yón 1: pagpapabaya o pag-iwan sa isang bagay, tao, o pangkat 2: pagtalikod sa layunin, relihiyon, o katulad 3: pagtakas sa hukbong kinabibilangan