- des•tór•nil•ya•dórpng | Mek | [ Esp destor-nillador ]:kasangkapang ginagamit sa pagkakabit at pagtanggal ng tornilyo
- des•tró•yerpng | Mil Ntk | [ Ing destroy+er ]:malakas at armadong sasakyang-dagat na pandigma
- destruction (dis•trák•syon)png | [ Ing ]:wásak o pagwasak
- des•truk•si•yónpng | [ Esp destruccion ]:wásak o pagwasak
- des•trung•kápng | [ Esp destroncar ]:sapilitang pagbubukás ng pinto, kandado, at iba pang katulad
- de-su•sìpnr | [ Esp Tag de susi ]:ginagamitan ng susi
- des•yér•topng | [ Esp desierto ]1:malawak na kapatagan na karani-wang mabuhangin, walang tubig, at walang tumutubòng haláman2:3:mga lahok na deskalipikado sa paligsahan
- dés•yungpng | Ark | [ Tbo ]:bahagi ng bahay na salungat sa bakdol at itinuturing na pook ng karangalan
- de•tápng | [ Ifu ]:hulíng araw ng ritwal ng pagtatanghal ng pagpúgot ng ulo
- detainee (di•téy•ni)png | Pol | [ Ing ]:tao na nakakulong at hindi pa nasasampahan ng habla
- de•tal•yá•dopnr | [ Esp detallado ]1:masinop na paggawâ hanggang sa pinakamaliit na bagay2:nasabi nang ganap dahil sa kompletong detalye
- de•tál•yepng1:lubos at maliwanag na ulat, salaysay, o kaalaman tungkol sa isang bagay o kaliit liitang bagay2:isang bahagi ng kabuuan