deus ex machina (dé•yus eks má•ki•ná) 1: kapangyarihan o pangyayari na hindi inaasahan at nagliligtas sa isang sitwasyong walang pag-asa 2: pangyayaring mahirap akalain; hindi sumusunod sa lohika ng sanhi at bunga
De•ú•te•ro•no•mí•ya : ikalimang aklat sa Bibliya, isinulat sa paraang pamamaalam ni Moses sa mga taga-Israel
de•u•tér•yo : isang isotope ng hydrogen na doble ang lakí sa karaniwang hydrogen (atomic number 1, symbol D)
de•vé•lop 1: paunlarin; isulong 2: magsimulang magpakíta o dumanas, gaya ng sakít 3: a magtayô ng bagong gusali b baguhin ang gamit ng lupa upang ganap na mapakinabangan ang yaman nitó 4: sa potograpiya, palitawin ang tunay na larawang nása negatibo
de•ve•lo•pér : tao o bagay na kasáma sa pagdevelop ng anuman, hal developer ng subdibisyon o developer ng retrato