diamond head shape (dá•ya•mónd hed syeyp) : uri ng talim na ginagamit sa prong na de-unyas at nagtatampok ng bató sa hiyas
diaphragm (dá•ya•prám) 1: sa mammal, masel na naghihiwalay sa thorax 2: ang nagbubukod sa mga tissue na panghayop at panghaláman 3: kasangkapan para sa pagpapanibago sa apertura ng kamera
Diaspora (da•yás•po•rá) 1: pagkakawatak o pagkakahiwalay ng mga Hudyo sa labas ng Israel 2: anumang katulad na pagkakawatak