ém•bol•tú•ra : bálot o pambálot, gaya ng punda ng unan, sapot ng gagamba, selopin ng kendi, at katulad
ém•bor•nál 1: daanan ng maruming tubig sa ilalim o gilid ng kalye, daanang bakal, at iba pa 2: túbo para sa kawad ng koryente at kable sa ilalim ng lupa
ém•bri•yo•lo•hí•ya 1: sangay ng biyolohiya na may kinaláman sa pagkakabuo at pag-unlad ng embriyon 2: -aaral ng pinagmulan, pagkain, at iba pa hinggil sa embriyon
ém•bri•yón 1: hindi pa naisisílang na sanggol o hindi pa napipisâng itlog 2: sanggol na wala pang walong linggo sa sinapupunan 3: halámang nagsisimulang tumubò sa loob ng butó 4: unang yugto o anyo ng isang bagay