eminence grise (é•mi•néns griz) 1: tao na may kapangyarihan at impluwensiya kahit walang hawak na posisyon 2: lihim na ahente
eminent domain (é•mi•nént do• méyn) : lubos na kapangyarihan o karapatan ng pamahalaan na kunin ang pribadong ari-arian para sa kapakanang pambayan nang may katumbas na kabayaran.
e•mi•nén•te 1: iginagálang sa isang larangan o propesyon 2: ginagamit upang tukuyin ang isang positibong katangian
é•mis•yón 1: paglalabas o pagbubuga ng usok, apoy, putik, at katulad 2: bagay o mga bagay na inilalabas o ibinubuga