éng•kan•tá•da : sobrenatural na nilaláng na gumagamit ng hindi pangkaraniwang kapangyarihan para sa kabutihan o kasamaan, malimit na nása anyong magandang babae at may mahiwagang batón
eng•kán•to 1: kapangyarihang angkin ng sinuman na nakagagawâ o nakalilikha ng mga himalang gawain, bagay, o pangyayari 2: gayuma1 3: isa sa mga kahimahimalang espiritu na may kapang-yarihang umengkanto ng tao
eng•klí•ti•kó : salitâng binibigkas nang walang gaanong diin kayâ nagiging bahagi ng sinundang salita