en•sa•lá•da : paraan ng paghahanda ng gulay at iba pa na binabanlian at tinitimplahan ng mayonesa, sukà, at iba pang pampalasa
en•say•má•da : alsadong tinapay na malambot, bilóg, pinapahiran ng mantekilya sa ibabaw, at binubudburan ng asukal
en•sá•yo 1: sesyon ng ehersisyo o pag-sasanay, karaniwang pribado, bílang paghahanda para sa pam-balanang pagtatanghal, seremonya, pormal na okasyon, at katulad 2: sanaysáy
ensemble (an•sám•bol) 1: bagay na tinitingnan bílang kabuu-an ng pinagsámang mga bahagi 2: set ng mga damit na magkakasámang isinusuot 3: pangkat ng mga aktor, mananayaw, o manunugtog
ensign (én•sayn) 1: bandila ng militar o hukbong-dagat ng isang bansa 2: pinakamababàng opisyal ng hukbong-dagat
en•si•klo•péd•ya : aklat, karaniwang binubuo ng iba’t ibang tomo, nagbibigay ng kaalaman hinggil sa sari-saring paksa o mga aspekto ng isang paksa, at ayon sa alpabeto ang pagkakasunod-sunod