echocardiography (é•kow•kar•dyó• gra•fí) : paggamit ng ultrasound sa pagsisiyasat sa galaw o tibok ng puso
echoencephalography (é•kow•en• sé•fa•ló•gra•fí) : paggamit ng ultrasound sa pagsisiyasat sa mga estruktura sa loob ng bungô
eclair (í•kleyr) : keyk na maliit at biluhabâ na may palamáng krema, at may tsokolate o kape sa ibabaw
ecosystem (í•kow•sís•tem) : biyolohikong komunidad ng mag-kakaugnay na organismo at ang kaligiran ng mga ito
ecstasy (éks•ta•sí) 1: labis na kaligayahan 2: emosyonal o relihiyosong pagkawala sa sarili o pagkatulala