e•ba•po•ras•yón 1: pagpapalít ng anumang substance mula likido túngo sa gas 2: pagpapasingaw at pagpapalít ng bahagi ng isang substance sa pamamagitan ng kondensasyon 3: igá1
e•bo•kas•yón 1: pagpapabalik ng malalakas na imahen, damdamin, o alaala sa kamalayan 2: pananawagan sa isang espiritu o bathala
e•bo•lus•yón 1: proseso ng pagbabago mula sa simple hanggang sa higit na komplikadong anyo 2: pagbabagong anyo ng isang hayop o haláman mula sa mga sinaunang anyo 3: pagsingaw ng gas o init
Ecclesiasticus (ek•lé•si•yás•ti•kús) : sa Bibliya, aklat sa Apocrypha na naglalamán ng mga moral at praktikal na kasabihan
echeveria (et•se•ve•rí•ya) : yerbang (Echeveria secunda) makatas at walang punò, malapad, masinsin, at matubò ang dahon, at pulá ang bulaklak; katutubo sa Mexico
echinoderm (e•káy•no•dérm) : anumang hayop sa tubig (phylum Echinodermata) na may bahaging parang sinag o silahis, gaya ng bituing-dagat, salangò, at katulad