- gar•nát•sapng | [ Esp garnacha ]:lakwatsa
- gár•nishpng | [ Ing ]:pampalasa o pala-muti na ipinapatong o inilalagay sa paligid ng pagkain
- gá•ropnr | [ Bik ]:túlad o katúlad
- ga•rólpng | [ ST ]:pagkakasundo ng mga testigo
- gá•rolpng1:pansagka sa dulo ng tikin sa ilalim ng tubig2:anumang ginaga-mit na pansará sa kandado o sa tari ng tandang na pansábong3:panini-gas ng titi ng batàng laláki
- ga•róngpng1:[ST] pananahan nang hiwalay sa karamihan, gaya ng pana-nahan sa isang monasteryo o kum-bento, o kayâ pananahan nang nag-iisa2:[ST] patpat na gina-gamit sa pagbílang3:[ST] anumang ginagamit bílang gulóng4:[Ilk] mata-as at bilugáng basket, pinagsisidlan ng bigas, mais, at iba pang butil5:[War] alamíd
- gá•rongpng | [ Bik ]:biyas ng kawayan na ginagamit na inuman ng tubâ
- ga•ró•tepng | [ Esp garrote ]1:instru-mentong pambitay na may pansakal sa binibitay2:paraan ng pagbitay sa pamamagitan ng pagsakal o pagdu-rog sa leeg
- ga•ró•tepnr | [ Esp garrote ]:maikli at mabigat
- gár•ropng | [ Zam ]:sa sinaunang lipu-nan, pagpugot ng ulo
- gar•témpng | [ Ilk ]1:nasà o pagnanasà; labis na pananabik2:hilig sa pagka-in
- gár•terpng | [ Ing ]:elastikong band, karaniwang ginagamit na panghigpit sa medyas, kasuotang panloob, at ka-tulad upang hindi malaglag
- gár•ter beltpng | [ Ing ]:makitid na sin-turong panloob na yarì sa elastiko o telang may garter na ginagamit na panghigpit sa medyas ng babae
- ga•ruk•gókpng:tunog ng malakas na kulo ng tiyan
- ga•rul•gólpng1:ingay o tunog na likha ng isang bagay na hinihila sa bako-bakong daan2:anumang tunog na katulad nitó