gló•bo 1: daigdig 2: planetang Lupa 3: planeta o iba pang lawas pangkalawakan 4: anumang bilóg na bagay 5: pabilóg na paglalarawan at mapa ng planetang Lupa 6: ginintuang bilóg na sagisag ng kasarinlan 7: lóbo2
glo•kó•ma : sakít sa matá, sanhi ng pagtaas ng presyon sa loob nitó at humahantong sa unti-unting pagkabulag
glor•yé•ta 1: es-trukturang nása gitna ng liwasan o plasa na pinagdarausan ng mga pa-latuntunan 2: kiyósko3
gló•tal 1: tumutukoy sa glotis o sa anumang kaugnay nitó 2: paimpit na pagpapatunog ng patinig sa tigok-tigukan