hi•wá•tig 1: hindi tuwirang pag-papahayag sa isang bagay, idea, o sa-loobin 2: palátandáan 3: pa•hi•wá•tig hindi tahas na pahayag o senyas tungkol sa isang dapat maláman, maunawaan, o matag-puan
Hí ya!, Hi yá! : bulalas na ginagamit sa pagpapatakbo o pagpapakilos sa hayop o pag-uutos sa áso na habú-lin ang isang tao o ibang hayop
hi•yâ 1: damdamin ng hindi makapagpahayag ng nais o pakay 2: saloobin ng nakagawâ ng kasalanan, kamalian, o bagay na pangit sa kapuwa
hi•yáng 1: anumang bagay na akmâ, angkop, o lapát 2: anumang nakapagdudulot ng ginhawa, gaya ng lunas na sinubukan at nakapagpabuti ng kalusugan
hi•yás 1: palamuting pangkatawan, malimit gawâ sa mámaháling metal at tinatampukan ng pambihirang bató 2: mámaháling bató 3: isang tao o bagay na may mataas na pagtatangi