hó•len 1: maliit at mabilog na bo-lang marmol o kristal na ginagamit sa laro 2: laro ng mga batàng inihuhulog sa maliliit na bútas sa lupa ang maliliit na bolang marmol o kristal.
holism (ho•lí•zim) 1: teor-ya na ang isang kabuuan ay higit sa suma ng mga bahagi nitó 2: pag-papahilom sa buong pagkatao, kabí-lang ang mga salik na pangkaisipan at panlipunan sa halip na mga sin-tomas lámang ng sakít.
hollow block (há•lo blak) : parihabâng piraso ng pinatigas na buhangin at semento at panguna-hing gamit sa pader o dingding.
Hollywood (há•li•wúd) : dis-trito sa Los Angeles na pangunahing sentro ng industriya ng pelikula sa Estados Unidos
holocaus (hó•lo•kóst) 1: lansakang pagkawasak o pagkalipol sanhi ng sunog o digmaan 2: sa maliit na titik, malakíng pinsala na may ka-ugnay na malakíng bílang ng nama-tay, lalo na sa apoy.
Holocaust (hó•lo•kóst) : lan-sakang paglipol sa mga Hudyo at iba pang pangkáting minorya, tulad ng mga Hitano at bakla, sa ilalim ng rehi-meng Nazi noong Ikalawang Digma-ang Pandaigdig.
hó•lo•grám : hulagway na may tatlong dimensiyon at nabu-buo mula sa isang padron sa tulong ng sinag laser.