ha•gung•hóng 1: na tunog ng tubig na bumabagsak o umaagos sa isang kubkob na pook, gaya ng kuweba o mga daang túbo 2: umaalingawngaw na tunog mula sa malakas na pag-uusap o pagsasalita ng maraming tao o ingay ng mga hayop.
ha•gú•noy : baging (Wedelia biflora) na gumaga-pang, malangipin ang gilid ng dahon, at dilaw ang tíla pabilog na bulaklak
ha•gú•noy-tsí•na : yerba (Wedelia chinensis) na mabalahibo at ginagamit na tina ng buhok ang katas ng dahon.
ha•gu•ták : a png b tunog ng biglaang paghila palabas ng isang bagay, ga-ya ng isang drawer o ng isang paang nakalubog sa putik
ha•gut•hót 1: tunog ng pagsagap o paghigop ng likido 2: tunog ng hanging ipinapasok sa mga lobo at interyor ng gulóng.