ha•gí•bis 1: singasing ng kalabaw, baboy, o iba pang hayop 2: tunog o pakiramdam ng mabilis na pagdaan ng mga sasakyan, tao, o hangin
ha•gi•nít 1: matinis na tunog ng isang mabilis na pagdaan ng hangin o ng isang mabilis na sasakyan 2: hagupít.
hagiography (hag•yóg•ra•fí) 1: pagsulat sa talambuhay ng mga santo 2: hindi mapanuri o pinagandang talambuhay.
ha•gíp 1: sunggab o pagsunggab 2: pagkuha ng isang bagay na gumagalaw sa tubig 3: pagdagil, pagbundol, o pagkasagi 4: pagtama sa inaasinta.