horoscope (hó•ros•kóp) 1: paghula sa kapalaran ng isang tao batay sa diyagrama na nagpapakíta sa relatibong posisyon ng mga bitu-in at planeta sa oras ng pagkasilang 2: ang gayong diyagrama 3: pagma-masid ng langit at mga planeta sa isang partikular na sandali, lalo na sa pagkapanganak ng isang tao
horsepower (hors•pá•wer) : yunit ng lakas na katumbas ng 550 foot pound o 745.7 watt; lakas ng mákiná batay sa yunit na ito
horseradish (hors•rá•dish) : yerba (Armoracia lapathifolia) na mataas, may bulaklak na maliliit at putî, at kauri ng mustasa