homologous (ho•mó•lo•gús) : magkatulad ang kalagayan, estruktura, at pinagmulan ngunit may magkaibang funsiyon.
homonym (hó•mo•ním) : salita na katulad ng isa pang salita sa baybay o bigkas ngunit magkaiba ng kahulugan.
homophonic (ho•mo•fó•nic) : binubuo ng magkakasaliw na bahagi sa iisang indayog o ritmo, tulad ng sa melodiya.
Hó•mop•té•ra : suborder ng mga hemipterous na insekto, bi-nubuo ng mga aphid, kuliglig, at iba pa, na may mga pakpak na iisa ang texture.
Homo Sapiens (hó•mo séy•pi•énz) 1: species ng primate na may dalawang paa, may kapasidad ang utak na 86 kuwadrado pulgada, gu-magamit ng wika, at lumilikha at gu-magamit ng mga komplikadong ka-sangkapan; kinabibilángan ng moder-nong tao 2: ang sangkatauhan
homosexual (ho•mo•séks•wal) 1: hinggil sa o nagpapamalas ng homosexuality 2: hinggil sa o nag-papahiwatig ng magkatulad na kasa-rian.
homosexuality (ho•mo•seks•wál•i•tí) : seksuwal na pagnanasà o kilos na nakatuon sa tao o mga táong may katulad na kasarian.
honeycomb (há•ni•kómb) 1: báhay-pukyútan 2: mga estruktu-rang hexagonal mula sa pagkit na ga-wâ ng mga pukyut para pag-imbakan ng pulút at mga itlog.