hú•lip 1: bagong ta-nim o punla, kapalit ng hindi tumubò sa hanay ng pananim 2: pampalit sa nasiràng atip na pawid o kugon.
hu•lò 1: pinagmumulan ng agos ng tubig var hulô, ulu 2: bahagi ng isang bayan o komunidad na nása gawíng pataas ng isang bundok o libis; o nása ibabâ naman kung pababâ at malapit sa ilog o dagat 3: deduksiyon mula sa pagsusuri ng bagay-bagay
hú•log 1: bagsák1 o pagbagsak 2: bayad na lingguhan o buwanan 3: pagkabíhag; pagkadakip 4: yunit na kantidad, gaya sa pagluluto ng bibingka 5: ang ibig sabihin ng isang salita 6: sariling palagáy o pagkaunawa ukol sa isang bagay 7: salin3 o pagsasalin 8: sa pangingisda, ang bílang ng paghuhulog ng lambat 9: substance na idinadagdag para sa reaksiyong kemikal 10: adolescence 11: tensiyong muskular bílang kondisyon ng kalusugan 12: halagang nakadeposito sa bangko 13: metamorposis 14: palagiang ambag o quota sa isang organisasyon 15: hilabigát 16: bahaging pababâ ng isang bundok 17: sa paghahabi, ang pagsusuksok ng karayom sa tela 18: biyaya mula sa Diyos 19: sa metalurhiya, ang bantò o alloy 20: boluntaryong pagbagsak ng sarili; pagpapatihulog 21: isang pabigat na nakapalawit sa pisi at tumitiyak kung tuwid ang pagkakatayô ng anumang bahagi ng bahay