disk na patibong sa daga, inilalagay sa itaas ng poste ng kamalig.
hul•yáng
:
terminong Sambal para sa baklád sa ilog na panghúli ng mga hipon.
Húl•yo
:
ikapitóng buwan ng ta-on
hu•má
:
hindi makapagsalita o walang masabi dahil sa tákot, naga-wâng kasalanan, o kadaldalan ng kausap.
Hu•má•bon
:
raha ng Cebu at unang katutubò na naging Kristiyano kasáma ng kaniyang asawa, at mga tauhan.
Hu•ma•dáp•non
:
bayani ng Hinilawod; sa isang bersiyon, ka-patid nina Labaw Donggon at Du-malapdap; sa pangunahing bersiyon, hindi niya kamag-anak si Labaw Donggon ngunit napangasawa ang anak nitóng si Nagmalitong Yawa.