hú•ngot 1: bao ng niyog na nilagyan ng tatangnan at ginagamit na pansalok ng tubig 2: sisidlan ng pain na yarì sa bao ng niyog na itinatalì sa baywang hábang nangingisda
hun•hón 1: paglunok ng pagkain nang hindi nginuya 2: pa-raan ng pagtutulak, pagtutupi, o pagpapagúlong ng kortina, kubre-kama, banig, at alpombra 3: paglalagay ng mga bagay para magkalapit sa isa’t isa.
hú•nos 1: pagpapalit ng balát, kaliskis, o balahibo ng hayop, isda, o ibon 2: pagbabagong loob 3: kahon ng mesa na hinahatak upang buksan.
hú•nos-dí•li 1: muling pagsasaa-lang-alang ng balak gawin 2: pagpigil sa sarili o paghinahon para pag-isipan muli ang nais gawin