ham•yâ 1: galapong na pinahabà 2: parusa sa isang hindi nakatupad sa kaniyang tungkulin, o lumiban sa gawaing pampubliko.
han : hulapi sa mga salitâng-ugat na nagtatapos sa mga patinig na malumay at mabilis, hal sayahán, papurihan, banguhan
há•nap 1: pagtingin o pag-alam kung saan naroroon ang isang tao o bagay 2: paghingi ng paliwanag 3: akto ng paghahanapbuhay
há•nay 1: mga tao o bagay na nakaayos na tila isang tuwid na guhit 2: tao na nása harap o sa likod ng iba sa isang pangmilitar na ayos