hedonism (he•do•ní•sim) 1: paniniwala sa pagtatamasa ng kasiyahan bílang pinakamainam na kalagayan at angkop o tanging layunin ng tao 2: gawi na batay dito 3: paghahanap ng kasiyahan.
Hegira (he•gáy•ra) : paglisan ni Muhammad sa Mecca patúngong Medina noong AD 622 na simula ng pagkabuo ng unang komunidad na Muslim.
he•kef : pambabaeng aba-loryo na may kapal na 3.81 sm, nana-naig ang kulay itim, pulá, at putîng butil, at isinusuot na palibot sa leeg
hé•ko 1: sawsawan na mula sa tining ng hipon o isda 2: tining o latak ng patis na nakukuha sa pag-luluto nitó
he•la•tí•na : halos walang kulay, walang lasa, at huma-halò sa tubig na protina mula sa col-lagen at ginagamit sa preparasyon ng pagkain, gaya ng jelly, prosesong poto-grapiko, at sa pandikit
hé•le 1: pagpapatulog sa batà sa pamamagitan ng mga awiting nau-ukol sa mga sanggol 2: oyayi 3: kunwarî o pagkukunwari 4: paglalambing.