heat (hit) 1: pagiging mainit 2: anyo ng enerhiya mula sa walang takdang galaw ng mga molecule 3: panahon ng paglalandi ng isang babaeng hayop
heavy (hé•vi) 1: mabigat; mahirap buhatin; tao na matabâ o malakí 2: malubha 3: seryoso ang himig o damdamin 4: Pis nagtatag-lay ng higit sa karaniwang mass, tu-mutukoy lalo na sa mga isotope at compound na nagtataglay ng mga ito.
heavy check (hé•vi tsék) : sa huweteng, uri ng lapis na kulay pulá ang tasá at sadyang ginawâ upang ipambílog o ipangkuskos sa mga tayâ sa papelitos.
heavyweight (hé•vi•wéyt) 1: sa boksing, atletang higit sa 81 kg ang timbang 2: tumutukoy sa atletang ito 3: tao, hayop, o bagay na higit sa karaniwan ang bigat 4: mahalaga o maimpluwensiyang tao.
Hebrew (hí•bru) 1: tao na kabílang sa lahing Semite, nagmula sa sinaunang Palestina at tradisyonal na mga ninuno sina Abraham, Isaac at Jacob 2: wika ng lahing ito