hen•tíl 1: sa malakíng titik, tao na hindi kabílang sa lahing Hudyo, isang paraan noon upang ibukod ang Kristiyano sa Hudyo 2: pagáno
hén•yo 1: napakatali-nong tao 2: mahiwa-gang espiritu sa loob ng lampara ni Aladdin na nakapagdudulot ng anu-mang tatlong kahilingan sa sinumang makakuha ng
he•o•dés•ya : sangay ng matematika na may kaug-nayan sa hugis at lawak ng lupa o ng malalawak na bahagi nitó.
he•ó•gra•pí•ya 1: pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo, mga yaman nitó, likás at pampolitikang pagkakahati, klima, mga produkto, populasyon, at iba pa 2: ang katangiang pisikal ng isang pook
heo•lo•hí•ya : ag-ham ng mundo, kasáma na ang mga komposisyon, estruktura, at pinag-mulan ng mga bató
he•o•mán•si•yá : sining ng pagsasaalang-alang sa mabuting kapalaran o suwerte sa pag-tatayô ng gusali
he•o•me•trí•ya 1: sangay ng matematika tungkol sa katangian at kaugnayan ng mga punto, linya, rabaw, at solid 2: relatibong kaayusan ng mga bagay o bahagi
he•o•po•lí•ti•ká : pag-aaral ng heograpiya, demogra-piya, at iba pa bílang makabuluhang impluwensiya sa politika ng bansa
he•o•rá•ma : malaki at hungkag na globong may nakalara-wang mapa ng rabaw ng mundo at makikíta ng manonood na nása loob nitó