Hep! 1: pabulalas na sagot sa isang tumatawag 2: salitâng sinasambit bílang babalâ sa pagkakamalî o panganib.
hé•pa•rin : polysac-charide na may sulphur na matatag-puan sa iba’t ibang organ at tissue na pumipigil sa pamumuo ng dugo.
hepatitis (he•pa•táy•tis) : pamamagâ ng atay gaya ng Hepatitis A, na sanhi ng virus, nakukuha sa pagkain, at nagdudulot ng lagnat at jaundice; Hepatitis B, malubhang hepatitis na sanhi ng virus, nakukuha sa impektadong dugo, at nagdudulot ng lagnat, debilidad, at jaundice.